Torpedo (Letter of a Torpe In tagalog)

Dear Nene,

Alam mo bang crush kita? Palagi kitang inaabangan sa school. Kapag nakikita kita, kumpleto na ang araw ko. Hindi mo lang alam, kabisado ko ang sked mo. Alam ko kung san ka dumadaan pagtapos ng mga klase mo. Pero wag mo sanang isiping stalker ako ha. Crush lang talaga kita. Ganito siguro ang naisip ng Diyos para sipagin ako sa pagpasok sa school. Kung ganun man, napakatalino Niya talaga. Binigyan nya ako ng inspiration. Swerte ko nga e, di ko pa birthday niregaluhan na nya ako. Kaso, hanggang tingin lang ako e. Pero sa totoo lang, masaya na ako dun. Basta makita kita sa isang araw makakangiti na ako. Wag ka sanang magagalit, ako yung nag-ipit ng bulaklak dun sa notebook mong naiwan mo sa library. Alam ko namang puno ng notes mo yun sa math pero ginawa ko pa rin. Sorry ha. Alam mo ba may isang beses nagkatabi tayo sa pila sa cafeteria. Tapos nung magbabayad ka na, sakto namang kukuha ako ng sukli. ibinigay sakin nung tindera yung inabot mong bente. Alam mo bang nakatabi pa yun sa aking mga gamit? mas mahalaga pa yun kesa sa 100 peso bill na gloria arrovo o yung up centennial. nung valentines day, ibinili kita ng rosas pero sa hiya ko, ipinaabot ko dun sa isang kaibigan mo. kaso nakita naman daw ng gf nya, napilitan tuloy syang ibigay. babayaran na lang daw nya. tuloy, sumulat na lang ako sa isang yellow paper at nagdrowing ng bulaklak. ginawa kong eroplano at pinalipad ko sayo. tumama ito sa mata mo at nagalit ka kaya’t kumaripas ako ng takbo. di ko tuloy nakita kung nabasa mo ito o itinapon lang. Siguro kilala mo na ako kasi friend na kita sa friendster at multiply e. Alam mo ba nung isang araw habang naglalakad ka papuntang lobby, bigla kang napalingon sa akin at nakangiti ka. Ewan ko ba pero alam ko namang hindi para sa akin yung ngiting iyon ngunit natunaw mo pa rin ang puso ko. biglang parang lumutang ang katawan ko sa sarap ng pakiramdam. Para akong tanga at ilang minuto akong nakangiti sa kawalan. Gusto sana kitang lapitan at makipagkilala pero nahihiya talaga ako. Ipinakilala ka na sakin nung kaibigan mong kakilala ko pero parang wala lang naman sa iyo. in-offer ko nga yung kamay ko para makipag-shake hands pero hindi mo ata ito napansin. Tina-try ko lumapit sayo at makipagusap pero lagi ka naman may kasama. Gusto sana kita maging kaibigan. at kung papalarin man, mas higit pa run. Kaso natotorpe talaga ako e. Panu ba naman, sa ganda mong yan alam kong marami ka nang manliligaw na hamak namang mas mukhang tao kesa sa akin. kumbaga para tayong langit at lupa e. langit ako, lupa ka. joke lang, baliktad pala. sumulat ako para malaman mong may pagtingin ako sa iyo. sana pansinin mo na ako pag nagkita tayo ulit sa school. kung di man, sagutin mo na lang sana itong sulat kong ito. itatanong ko lang sana kung:

pwede ba kitang ligawan?

A. OO

B. HINDI (ipaliwanag)

____________________________________________

Love,

Totoy

Source: http://symbianize.com/showthread.php?t=78664

2 Comments

  1. aww..
    ganyan dn ang crush q..
    hinihintay q nga lang xa eii..torpe dn nya kasi..

  2. Ganyan din ba ang iniisep ng crush ko ?
    napakatorpe ko kase ehh


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Boycott

  • Trip laang

    P8180006

    P8180005

    More Photos
  • html hit counter
  • %d bloggers like this: